Saturday, July 3, 2010

University of Maki

.......Kakatuwang pakiramdam...may hatid na kaba, maaaring dahil sa excitement o takot na baka may makakilala...ngunit sa tagal ng panahon...ngaun lang uli mauulit, bakit ang hindi...maraming bagay ang ninais ko, marami nang pangyayaring basta sa kasiyahan, ano man ang kahinatnan ay hinahayaan ko. Gay bar sa timog...maliit kilala...madilim maharot...buhay ng mga aninong hindi lahat ay nagbebnta ng aliw...akala ko ay parepareho sila...subalit binago ng mga nakilala ko dito ang estado ng pananaw ko sa mga kalalakihang nagtratr abaho sa ganitong bahay aliwan'.
              Si jayvee,  simpleng mukha, bagamat may pang akit ay di namumukod tangi...isang buwan mahigit pa lang yan dito ang pakilala ng manager na umistima sa akin, subukan mo, mabait yan, sige...dalhin mo sa v.i.p. room....isang maliit na silid..maayos, makulimlim ang ilaw..pribado, malambot naupuan...binuhay ko ang maliwanag na ilaw at pilit hinanap sa batang lalaking ito ang katangiang maari kong magustuhan...simple lang...edad disinueve...may katangkaran...payat...malamlam na mata...tipid ngumiti at sa paraan ng pakikitungo masasabi mong baguhan nga..mapapansin mo sa kilos at tingin na waring pinag aaralan din ang mga kilos ko...naghihintay at handang tumanggap. inom...kain..simpleng palitan ng maikling salita...tanong sagot..at nakikinig sa mga maiikling kwento..wala akong maraming itinanong...mas marami ang ginawa kong pagpapakilala sa sarili at mga eksperyensa..tulad nya, baguhan din ako at hindi sanay sa ganitong uri ng libangan...hinawakan, hinalikan..tiningnan, marahil ay kabilang sa kanyang tungkulin sa mga guest ang pagpapaubaya..saglit na halik sa labi...saglit na haplos sa kanyang pagkalalaki..sulyap sa bahaging iyon at tapos na...ni hindi ko naramdaman ang pagnanasang gawin iyon don...marahil sa dami na ng nainom ko o marahil ay talagang di ko naman gusto...matapos ang sandaling iyon ay nagpaalam na ako, ngunit may pangakong lalabas kami at kikilalanin ko siyang mabuti...mabait na bata...yon lang ang higit na katangiang nakita ko sa kanya.
            

No comments:

Post a Comment